[metaslider id=90]

Puerto Princesa, Palawan – Sa pangalawang pagkakataon, muling namahagi ng gamit pang-eskwela ang LMC asosasyon sa Palawan o ang tinatawag na Palawan Industrial Peace Advocates (PIPA) sa Mababang Paaralan ng Sta. Cruz, Palawan. Tulad ng mensahe sa naunang outreach program, “Sa isang lapis nagsimula tayong mangarap para maabot anuman ang gusto nating maging propesyon: maging guro, abogado, doctor, nars, engineer at iba pa. Kinakailangan lang nating gawin ay pagbutihin ang pag aaral. Gamit ang lapis, matutong magsumikap at patuloy na mangarap upang makamit ang minimithing tagumpay,” ayon kay G. Erwin Galleon, presidente ng PIPA.

Ang pamamahagi ay naganap noong Hulyo 24, 2017 sa naturang paaralan. Umabot sa 153 mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 ang nabahaginan sa proyektong ito. Maliban sa lapis, na siyang tema ng proyekto, namahagi din ang grupo ng iba pang gamit pang-eskwela tulad ng notebook, papel, pambura, sharpeners, gamit pangkulay at merienda para sa mga bata at guro.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinahatid ng mga guro, mag-aaral at magulang sa pagpili ng grupo na gawing beneficiary ang kanilang paaralan. Ayon sa kanila, malaking tulong ang hakbang na ito upang maibsan ang kakulangang pang pinansyal at pandagdag sa mga kinakailangan gamit ng mga bata sa paaralan.

Ang makabuluhang proyektong ito ay magkatulong na isinakatuparan ng PIPA at ng Regional Conciliation and Mediation Branch-MIMAROPA. Layunin din nito ang pagpapaunawa sa mga estudyante ng kahalagahan ng edukasyon sa kanilang buhay habang bata pa. Ang PIPA ay isa sa mga kaagapay ng NCMB sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagpapanatili ng kapayapaan sa larangan ng relasyong paggawa sa rehiyon ng MIMAROPA.- Julia P. Peleo